Chapter 61

1010 Words

Eviane's P. O. V. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay sobrang sakit ng buong katawan ko, tila ba manhid ang mga ito. Sinubukan kong igalaw ang daliri ko. Napagtanto kong nasa ospital ako, mayroong malaking tubo na nakalagay sa aking bibig habang may mga wires sa aking dibdib. Bigla kong naalala ang nangyare kanina, may lalakeng nagtangka sa buhay ko. Nilibot ko ang paningin ko at laking gulat ko nang makita si Garrison sa tabi ng aking braso. Nakapikit ito, mahimbing ang tulog. Hindi komportable ang kaniyang pwesto, nakaupo siya sa isang maliit na couch at saka nakayuko, ang ulo ay nakadukdok sa kama ko. Gusto kong magsalita at tanungin kung bakit siya narito ngunit hindi ko magawa. Akala ko ba ay kinasal na ito? Bakit siya narito at nagbabantay pa sa akin? Nasaan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD