Garrison's P. O. V. Lumabas ako ng ospital, ako mismo ang bumili ng cravings ni Eviane. Mabuti na lamang at may gana siyang kumain, kahit na kakagaling niya lang sa kritikal na kundisyon. Sinabi ni Eviane na gusto niya ng burger mula sa isang sikat na fast food chain. Nag-drive thru ako roon. Nang makuha ko ang pagkain na in-order ko, hindi ko inaasahang makita si Azrielle. Nagulat ako nang bigla itong pumunta sa gitna ng kalsada at hinarang ako, mabuti na lamang, mabagal lang ang pag-andar ko. Kung hindi, siguradong mabubunggo ko siya. Kahapon pa niya ako sinusundan, porke hindi ko siya nilalabas sa ospital ay dito naman niya ako susundan? "Garrison!" hinampas niya ang harapan ng sasakyan ko. Narinig ko naman ang busina ng sasakyan mula sa aking likod kaya mabilis kong itinabi ang aki