Eviane's P. O. V. "Is there something you guys need to tell me?" Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig ko ang boses ni Garrison. Sabay kami napatingin ni Jonathan sa isa't isa. Padabog na sinarado ni Garrison ang pinto at binagsak ang plastic ng burger sa harapan namin. "Aren't you guys gonna talk in front of me?" tanong nito. Napayuko si Jonathan, kita ko ang pamumula ng mukha nito, mukhang kinakabahan siya. Ako rin naman, pero hindi ko akalain na maabutan kami ni Garrison na ganoon ang pinag-uusapan. "Garrison... Please huwag ka muna sanang magalit kay Jonathan. Ipapaliwanag namin sa 'yo unti-unti..." mahinahon kong sabi. "Then go," bakas ang inis sa boses ni Garrison. "I-I'm sorry, Sir. Years ago, noong una kong nakilala si Azrielle, a-alam mong gusto ko