Garrison's P. O. V. Nakipagkita ako sa aking lawyer, tinulungan niya ako sa kontrata at paglakad ng process sa bago kong hotel na ipapatakbo. Nakahanap na rin ako ng engineers and architect. Buong araw akong pagod sa kakapunta sa mga meetings, ngayong hapon, sa wakas makakauwi na ako kay Eviane. Nag-aalala ako dahil walang nagbabantay sa kaniya, umalis rin kasi si Jonathan. Sinabi kong mapapatawad ko siya pero dapat niyang mahanap ang lalakeng nagdala kay Eviane rito sa ospital. Hindi siya pwedeng pagala-gala lang rito, dahil baka maulit ang nangyare kay Eviane. Habang nagmamaneho ako ay isang message ang natanggap ko mula kay Eviane. From: Love Pwede bili mo 'ko pizza bago ka pumunta rito sa ospital? May check up ako kay doktora mamaya, i-ultrasound daw ako by 6 pm :) Hindi naman a