Garrison's P. O. V. Narito ako sa isang milktea shop, dumaan ako rito before going home from work dahil gusto raw ni Eviane ng milktea. Kahit na pinipigilan ko na siyang uminom at kumain ng matatamis ay wala pa rin siyang tigil, lahat ng cravings niya ay pinagmamaktulan niya kapag hindi naibigay sa kaniya. Kaya heto ako ngayon... "Here's your dark chocolate milktea with cream puff, Sir!" sabi ng waitress at inilapag sa table ko ang aking order na take out. "Thanks," sabi ko at tumayo. Lumabas ako ng milktea shop, sumakay ako sa aking kotse na nakaparada lang sa tabi ng kalsada dahil walang parking ang mismong shop. Inilagay ko sa passenger seat ang milktea na dala ko at handa na sanang paandarin ang sasakyan ko ngunit pamilyar na sasakyan ang pumarada sa tapat ng shop. Nanlaki ang mg