Garrison's P. O. V. Ipinatong ko sa dashboard ng aking kotse ang litratong nakatago sa wallet ni Dad. Napatitig ako sa aming litrato habang kasalukuyan kaming naghihintay ni Jonathan dito sa gilid ng kalsada, malapit sa bahay ng pamilya ni Jimuelle. "Sir, ayan na," sabi ni Jonathan. Napatingin ako sa bahay. Nakita ko si Jimuelle na may bitbit na malaking maleta. Inilagay ni Jimuelle sa likod ng sasakyan ang maleta habang ang babae at isa pang batang lalake ay pumasok sa loob ng sasakyan. Ang ina niya naman ay sa passenger seat sumakay. "Saan kaya sila pupunta?" tanong ni Jonathan. "Malalaman natin," sambit ko. Nang umandar na ang sasakyan nila Jimuelle ay sumunod kami ni Jonathan. Pasimple lamang kaming sumunod at hindi namin siya binubuntutan. Nakarating kami sa hotel ni Dad na ako