Eviane's P. O. V. Nagising ako nang marinig ang boses ni Garrison. Tila ba galit ang tono ng boses nito kaya napamulat ako. Wala siya sa tabi ko kaya hinanap ko ang boses niya, paglibot ko ng aking paningin sa buong silid nakita ko siyang nakatayo sa balcony, bukas ang sliding door kaya rinig na rinig ko ang boses nito. "Please do something! She can't be free, roaming around na parang wala lang! Hindi pwedeng hindi siya makulong, Attorney!— what? Azrielle is where? No—Attorney!" Binaba niya ang kaniyang cellphone at saka pumamewang. Is he talking about Azrielle? Tapos si Attorney ang kausap niya. Mukhang bad news ito dahil galit siya. Kitang-kita ko ang pagkainis sa kaniyang mukha. Bigla siyang humarap sa akin at nagbago ang kaniyang reaksyon, ngumiti ito at lumakad papalapit sa akin.