Eviane's P. O. V. 1 month later Today is our monthsary as couple, pero mukhang walang kabalak-balak sa buhay itong si Garrison. Nakatitig ako sa kaniya habang kumakain ng agahan. Napuyat siya sa paper works, dahil nasisimulan na ang hotel ay sobrang dami niyang inaasikaso tungkol rito. Naghahanap na rin sila ni Jonathan ng employees. Naririnig ko ring pinagtatalunan nila ang appliances at furniture na gagamitin sa loob ng hotel. Kumakain na kami pero mayroon pa ring laptop si Garrison sa hapagkainan. "Love, kumain ka muna, lumalamig na yung coffee mo," sabi ko nang matapos akong kumain. "Yeah, are you already done?" tanong nito at tumingin sa akin. Tumango ako at nginitian siya. Ininom niya ang kaniyang kape saka kinuha ang kaniyang sandwich, nagulat ako nang mabilis niyang kainin i