Garrison's P. O. V. Napabuntong hininga ako, kakatapos ko lang magbihis ng doctor clothes na ibinigay sa akin ni Doc. Carpio. Paglabas ko ng van ay inabutan niya ako ng salamin. "Sir, kailangan mo pa guluhin yung buhok mo. Halatang ikaw pa rin 'yan," sabi niya. Sinunod ko naman siya at ginulo ang aking buhok. Sinuot ko ang salamin na ibinigay niya saka isinabit ang stethoscope sa akin. "Huwag ka makikipag-eye contact. Ako ang mauuna, sumunod ka lang." Tumango ako sa kaniya. Bago kami lumakad ay napatingin ako kay Jonathan na maiiwan sa loob ng van. "Sabihin mo lang sir, kapag kailangan mo ng back-up," aniya. Tumango ako sa kaniya. Nagsimula na kaming kumilos. Mabilis at dire-diretso ang aming paglalakad papasok ng hospital. Wala ni-isa ang sumita sa akin dahil nauuna si Doc. Car