Garrison's P. O. V. Nagmamadali kaming bumyahe. Patuloy lamang ako sa pagluha habang hindi pa rin napoproseso ng utak ko ang masamang balita sa akin. Nasa tabi ko lamang si Eviane. Yakap-yakap ako nito habang nasa backseat kami. Si Jonathan ang nagmamaneho. "N-No... This can't be," bulong ko sa pagitan ng aking paghikbi. Muli kong naramdaman ang kakaibang sakit, ganitong-ganito ako noong nawala si Mom. Hindi ko mapaliwanag, tila ba sakit na habambuhay ay dadalhin ko. Sakit na kahit anong gawin ko ay hindi mabubura sa aking puso. "L-Love, please calm down..." bulong ni Eviane sa akin habang hinihimas ang aking likod. Napapikit ako nang mariin habang inaalala ang mga masasayang alaala namin ni Dad. Even though we are not in good terms, I will never forget how close we are when I was a