Eviane's P. O. V. Natapos kami sa pamimili ng mga gamit, lahat iyon ay inilagay muna sa van na dala ni Jonathan. Tinulungan nila kaming ilagay lahat ng iyon sa sasakyan, pati ang mga sales lady nakitulong na rin. Tuwang-tuwa pa sila at ang laki ng sales nila dahil sa amin. Umabot lang naman ng one hundred thousand pesos ang mga pinamili namin. Ibinili rin kasi ako ni Garrison ng ilang maternity dress. "Let's eat, it's already 1 pm," sabi ni Garrison. "Hindi ko namalayan yung oras, nag-enjoy ako sa pamimili," sabi ko. "Hhmm, sana all walang limit ang gastos. Sir, baka bigyan mo 'ko ng bonus, uma-aray yung card ko," bulong sa amin ni Jonathan. "Ha? Ano 'yon?" tanong ni Gyneth na nasa likod namin at biglang sumulpot. "Wala, sabi ko kailan mo 'ko sasagutin," sabi ni Jonathan dahilan para