Garrison's P. O. V. Napatitig ako sa cake na nasa lapag. Napasuntok ako sa aking desk at laking gulat ko nang mabasag ang salamin nito. Ramdam ko ang kirot ng aking kamao habang pinipigilan ko ang pagtulo ng luha ko. Wala akong magawa kundi tiisin siya, dahil sobrang sakit ng mga nangyare. Hindi ko kayang tanggapin ang batang dinadala niya kung kay Solomon iyon. "F*ck... I must hate you but why—" dahan-dahan akong napaupo sa aking swivel chair habang nararamdaman ang pagtulo ng dugo mula sa aking kamay. Pakiramdam ko ay nadudurog lang rin ako habang pinagtatabuyan ko si Eviane. Napapikit ako, hinayaan kong umagos ang aking luha at dinama ang sakit. Maybe, I deserve this kind of pain, maybe I was born to feel this way. Dahil kahit anong gawin ko, walang nagiging tama. "Garrison, have y