Garrison's P. O. V. "Dad might die..." bulong ko. Agad akong niyakap ni Eviane. Pakiramdam ko ay nanghina ang buong katawan ko matapos kong marinig ang balita mula sa staff ni Dad sa car company. Mayroon siyang business trip sa New York pero biglang nagkaroon ng problema ang private plane ni Dad. Nag-crash ito at sa kagubatan sila bumagsak. "Love, puntahan natin si Tito!" nag-aalalang sabi ni Eviane. "T-They are sending my Dad to the nearest hospital in Pampangga. We need to go there," sambit ko. Tila hindi pa rin nagpo-proseso sa utak ko ang nangyare kay Dad. Hindi ko matanggap na maaaring mawala siya sa mundo, ngunit hindi man lang kami nakakapag-usap. Naramdaman ko na lamang ang pagtulo ng luha ko. Pinunasan iyon ni Eviane habang yakap pa rin ako. Hindi niya ako binibitawan haban