Eviane's P. O. V. Hawak ko ang kamay ni Garrison, hindi pa rin tapos ang surgery ng kaniyang ama at wala pa rin siyang tulog. Naka-idlip na nga ako rito sa couch nang matapos kaming mag-dinner. It's already 2 am, wala pa rin siyang pahinga. "Kuya, I'll head home na. You should rest, I'm sorry I can't stay anymore, I have quizzes tomorrow," sabi ni William na aming kasama rito sa loob ng silid. "Sure, goodluck sa exams mo, Wil," sabi ni Garrison at tumayo para yakapin ang kaniyang kapatid. "Ate, I'll go na. Goodbye po," he said respectfully. No wonder why silang dalawang magkapatid ang magkasundo kahit hindi sila magkadugo ay magka-ugali sila. Napakabait ni William, noong sabay kami nag-dinner kanina, ikinuha pa ako ng tubig sa dispenser. Maalaga rin siya at sigurado akong magiging suc