Garrison's P. O. V. Abala ako sa aking laptop, napansin ko ang oras. It's already 9 am, pero wala pa rin si Jonathan. I decided to message him, asking how is he. Baka may sakit na pala siya or what kaya siya absent ngayong araw. Nang ma-isend ko ang aking message ay saktong biglang bumukas ang pinto. Napabitaw ako sa aking cellphone nang makita si Azrielle. "Oh, Azrielle. Bakit hingal na hingal ka? What happened?" nag-aalala kong tanong at napatayo. Padabog niyang sinarado ang pinto. Napapikit pa ako sa lakas ng kalabog nito. Kunot-noo ko siyang tinignan habang papalapit sa akin at inilalabas ang isang brown envelope na maliit. "What's that? Is this about your attorney?" tanong ko sa pag-aakalang papeles iyon ngunit iba ang tumambad sa akin. "Tinatago 'yan ni Jonathan sa 'yo." Nan