Eviane's P. O. V. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa kaba at takot. Hindi ko maintindihan kung bakit hawak ni Garrison ang mga litrato na ito? Sinong kumuha ng litrato sa akin? Sa amin ni Solomon. Bakit wala si Bryan dito sa mga picture? Hindi ba't kasama ko rin naman siya. "Garrison, saan galing 'to?" puno ng kaba ang puso kong nilingon siya. Kitang-kita ko ang pagsalubong ng mga kilay nito habang masamang nakatingin sa akin. I already expected that he'll be mad seeing this photos without my explanation. "Kung sino man ang kumuha ng pictures na 'to, gusto niya lang sirain ang relationship natin. I was harassed by Solomon sa picture na 'to!" sabi ko at pinulot ang picture na nasa loob kami ng sasakyan at pinilit niya akong halikan. "Really? Hinarass ka ng ex-boyfriend mo. How ma