Garrison's P. O. V. Ngayong araw, abala ako sa trabaho. Tinatapos ko na lahat ng pendings ko para next week ay matuloy na ang prenup namin. Malapit na ang araw na nakatakda kaming ikasal. I was planning to make it February 14, ipapagawa na rin ang invitations, pag-uusapan namin ni Eviane ang lahat. "Sir, excuse me," rinig kong sabi ni Jonathan. Hindi na naman siya kumatok at dire-diretso lang na pumasok sa loob ng aking office. Ibinaba ko ang papel na hawak ko at tumingin sa kaniya. "What?" tanong ko sa pag-aakalang tungkol kay Azrielle ang kaniyang babanggitin. "Sir, may mga tao sa front desk. You know who they are," aniya. Napakunot ang noo ko. Wala akong inaasahang kliyente ngayong araw dahil paper works ang tatapusin ko. "Sino?" tanong ko. "Mother and siblings of Jimuelle. Na