Eviane's P. O. V. "Congratulations, Mr. Bartolome, for winning this case." Napangiti ako nang makitang makipagkamay si Garrison sa grupo ng mga business man. Lahat sila ay hangang-hanga sa fiance kong ngayon ay pinagkaguluhan na ng mga tao. Habang ako ay nasa likod niya kasama si Jonathan. "Grabe... Hindi pa rin ako makapaniwala. After all this time, si Azrielle pala ang walang hiyang sumisira ng buhay ni Sir," rinig kong sabi ni Jonathan kaya napalingon ako sa kaniya. "Nakakadiri 'di ba? Tapos nagkagusto ka pa sa babaeng 'yon. Buti na lang nagbago ka na at hindi ka na niya tuta," sabi ko at napairap nang pabiro. Sinamaan naman niya ako ng tingin dahil sa aking inakto. Muli naming pinanood si Garrison. Narito pa rin kami sa labas ng korte at nakatayo sa parking lot, hinihintay namin