S P E C I A L C H A P T E R Two Become One Aligaga si Kisses sa harap ng salamin sa loob ng walk in closet matapos na makarating sila sa Isla Verde pagkatapos ng reception ng kasal. It’s their honeymoon and though Eco was so excited, bilib siya sa paninindigan nito na huwag iiwan si CK. Pinatulog na muna niya ang bata sa kabilang kwarto bago siya pumasok sa kwarto nilang mag-asawa at nagbihis. Mag-asawa. Iyon na nga ang tawag sa kanila dahil kasal na sila kanina. Napatingin siya sa suot na wedding, kapares ng kay Grieco at nalulunod ang puso niya sa saya, hindi dahil sa nakapag-asawa siya ng mayaman at gwapo kung hindi dahil wala itong kasing bait. Sinong mag-aakala na ang lalaking hindi niya tipo ay palihim na kinuha ang puso niya? Eco’s mother gave them tickets; trip for four to Fran