CHAPTER 45 GRIECO Grieco stood in front of CK and Kisses after ordering the taxi driver to move away. Nasa tapat na sila ng isang American restaurant dahil doon na niya inabutan ang sinasakyan nitong taxi kaya nag-overtake siya at namreno nang walang katakot-takot. Kung bumangga man iyon sa Maserati niya, wala siyang pakialam. Kaya niyang bumili at palitan ang taxi at kaya niyang palitan ang kotse niya. Ang hindi niya kayang palitan ay ang bride to be niya kung tuluyan itong magwo-walkout dahil lang sa isang maling akala na nagatungan pa yata ng mga sira ulo niyang kaibigan. Nasuntok pa niya si Al bago siya tuluyang lumabas kanina ng simbahan dahil sa kalokohan no’n. “Hey,” napakamot si Eco sa batok nang titigan si Kisses. “Hey ka rin!” mabilis na angil nito sa kanya kaya napahagikhik