CHAPTER 39 GRIECO Silently, he unbuttoned his shirt and moves his neck. Kaswal siyang nameywang matapos na mailapag ang bag ni Kisses sa sofa ng mansyon niya, somewhere in Verde Island, Batangas. Sinulyapan niya ang dalaga na parang naligaw na pusa sa pagkakaupo sa isang sulok ng mahabang sofa niya habang patingin-tingin sa kabuuan ng pinturadong mga dingding. Iniwan niya ito at tumuloy siya sa kusina para kumuha ng tubig at pagkain para kay Kisses. Matagal siyang napatunganga sa fridge at naitukod ang isang kamay niya roon habang nilalaklak ang distilled water. Sorry Papá… Sumasakit pa rin ang kalooban niya sa ginawa niyang pagsuway sa sarili niyang ama na instrumento ng Diyos na magbigay ng buhay sa kanya pero kung hindi niya gagawin ang gusto niya ay pakiramdam niya, pagsisisihan n