CHAPTER 40 KISSES Kisses was shocked when someone grabs her panty from behind. Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na pumihit habang puno ng sabon ng kamay. Mugto ang mga mata niya sa pag-iyak at nakatulugan na lang niya iyon. Nang magising siya ay agad siyang nagsuot ng t-shirt na basta na lang niya hinila sa aparador. Para siyang nilulon ng sawa dahil sa laki ng t-shirt ni Eco na abot na sa may tuhod niya pero anong magagawa niya? Wala itong balak na paalisin siya at malamang na kahit lumuha siya ng asukal ay hindi ito matitinag sa ipinaglalaban nito. Kung ano iyon, malay niya. “Akin na.” tinangka niyang agawin ang underwear pero mabilis iyon na itinago ng isa. Umiinit ang pisngi niya dahil nakaharap siya rito at wala siyang panty na suot! Hasusko! Pasimple niyang ipinagdikitan an