Chapter 21 RISSY Yakap ang sariling mga braso ay halos manginig si Rissy sa kinauupuan niya sa lobby habang nasa kabilang side si Daxton at nakaposas. Her chin is quivering in cold and in fear. Nakapagbihis naman siya at kumakalma lang ang sistema niya ay kapag nakikita niya si Zale na nariyan lang. Hindi pa rin siya makapaniwala na nangyari iyon sa kanya. Masakit ang mukha niya, ang lalamunan at ang ulo. Iniinda niya ang bungo na tumama sa sahig matapos siyang bumagsak. Hindi lang siya nagsasalita pero gusto niyang magpatingin sa duktor dahil ayaw pa niyang mamatay. She dreadfully glanced at Daxton. Namamayani pa rin ang nerbiyos sa kanya at manaka-nakang napapahikbi. Walang imik ang lalaki at mukhang Santo sa kinauupuan. Bakit tila sa isang iglap ay nagbago na naman ang any