Chapter 22 ZALE Ilang buntong hininga na ba ang nagawa niya simula pa kanina? Kahit na ang mga messages ni Twilight ay hindi na niya magawang sagutin at manaka-naka lang niyang sinusulyapan habang nakasandal siya sa pader at pinagmamasdan si Clarissa habang nakaupo ito sa isang silya sa harap ng nakaposas na rapist. Wala itong humpay sa paglingon na para bang aalis siya at iiwan ito. He chose to keep a distance to study the janitor discreetly. And even without medical tests or whatever, he’s sure that the man is mentally disabled. Malagkit ang titig no’n kay Clarissa at mukhang normal naman pero kapag lumilipas ang sandali ay tumatalim ang mga mata. “Miss Llerandi,” anang isang pulis na pumasok sa kwarto na iyon bitbit ang bag na nakuha sa locker ng mga janitor kanina sa buildin