Chapter 22.1 RISSY Nakamasid siya sa binatang nagsasalita sa harap ng karamihan habang matikas na nakatayo sa podium at parang Presidente ng Pilipinas na nagmamando sa lahat ng heads ng dapartamento ng LCI. Dalawang araw na halos ang lumipas matapos ang insidente at doble ang naging paghihigpit ni Zale sa lahat ng empleyado lalo na sa mga magiging aplikante. Namamangha siya sa ginagawa nitong pag-aalaga sa kumpanya at sa pakiramdam niya ay iyon ang magandang naidulot ng nangyari. Nang magsipaglabasan ang lahat ay nanatili pa rin na nakaupo si Rissy sa inuukupa niyang silya, pakurap-kurap at nakikiramdam. “You executed a very nice idea, my nephew.” Tapik ni Zeus sa pamangkin na nakatayo pa rin sa podium at parang nag iniisip pa rin. “Gusto ko ang ideya mo na point of reference ng