Chapter 11 RISSY Hurrying downstairs, Rissy’s cupping her head because of hangover. Masakit ang ulo niya pero may gusto siyang linawin sa matandang tagapag-alaga at isa pa ay tanghali na. “Manang? Manang? Ma—” malambing na tawag ng dalaga kay Helga sa kabila ng pagmamadali pero napatigil siya sa pagpasok sa dining room at agad na nakapa ang dibdib nang makita niyang nakaupo si Zale sa silya habang umiinom ng kape at may kausap sa cellphone. She thought he already left because it’s past 8:00 in the morning. “I’ll call you again, Tito.” He said but his eyes never left her. Naiilang na kumurap si Rissy dahil sa huling pagkakatanda niya ay ito ang kasama niya kagabi, kausap habang parang wala sa direksyon ang pag-ikot ng mundo niya dahil sa dadalawang baso ng cocktail drink n