Kusa at walang humpay na pumapatak ang mga luha ko sa aking pisngi habang nakahiga sa kama, nakatingala sa kisame ng malamig na silid. Masakit ang bawat paghinga dahil sa leeg ko, ramdam na ramdam ko pa rin ang mariing bakas ng mga kamay ni Ryker, parang naroon pa rin ang init ng kanyang marahas na hawak na muntik nang kumuha sa hininga ko. "Demonyo talaga siya..." bulong ko sa hangin, nanginginig ang boses sa halo-halong galit at takot. "Ano bang kasalanan ko sa kanya? Bakit ang init-init ng dugo niya sa akin? Sa past life ko ba, inaapi ko siya nang husto kaya ganito na lang ang higanti niya ngayon?" Pilit kong ibinangon ang nanghihina kong katawan. Humarap ako sa salamin at marahang hinaplos ang namumuong pasa sa aking leeg. Nandidiri ako. Nagmamadali akong nagsuot ng turtle neck upang

