“Son of a b***h!” Halos mayanig ang buong sulok ng silid sa tindi ng sigaw ko. Sinuntok ko ang katabing pader, pilit inilalabas ang galit na nararamdaman ko. Hindi na naman ako pinakinggan ni Jillian. Kahit ilang beses ko siyang binalaan, kahit ilang beses ko siyang pinagbantaan, binalewala niya lang ang lahat! “Lumalakas ang loob mo dahil kasama mo ang lalaking iyon, ha?” bulong ko, habang nanginginig ang panga sa galit. Kinuha ko ang susi ng kotse, determinadong susundan sila sa restaurant kung saan sila kakain. Ngunit bago pa ako makahakbang palabas, biglang kong naramdaman ang sunod-sunod na vibration ang cellphone ko. Kinuha ko ito nang may halong inis. “Alvin, what’s the update on the task I gave you?” I asked without even bothering to greet him. “I already sent Sealand Smith’s

