SAMANTHA Nanginginig ang buong katawan ko habang nakatitig sa apat na larawan na ipinadala ng investigator ko. Matinding galit ang naramdaman ko ngayon dahil tama nga ang rebelasyon ni Maria. Una pa lang kilala na ni Dale ang mga magulang ko at nagkaharap sila ilang oras bago namatay sa aksidente kuno ang mga ito. Hindi na ako magtataka kung bakit inilihim niya ito sa akin at kahit na minsan ay hindi niya binanggit na kilala niya ang daddy ko dahil noon pa man ay may plano na pala siya laban sa akin. Pakiramdam ko ang tanga ko. Hindi ko naisip na darating ang araw ay paglalaruan at paikutin ng nag-iisang taong pinagkakatiwalaan ko ng lahat sa akin. Ang sakit sobra. Emotionally, mentally and physically I'm not stable yet to face him right now dahil ang tanging magagawa ko sa ngayon a