DALE Malakas na tunog ng cellphone ko ang gumulantang sa akin. Nanlalabo ang mga mata at matinding kirot sa ulo ang nararamdaman ko dahil marahil sa dami ng alak na nainom. Wala sa sarili na inabot ko ang cellphone ko na nasa loob ng drawer sa tabi ng kama dito sa silid ko. "Hello," nakapikit na sagot ko. "Sir, mabuti naman at buhay ka pa pala. Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo. Mula pa kaninang umaga panay ang tawag ko pero hindi ka sumasagot," tuloy-tuloy na sabi agad nito. "Anong kailangan mo?" irritable na tanong ko. Matindi kasi ang sakit ng ulo ko at nahihilo pa ako. Hindi kasi ako sanay uminom ng bigay tudo at magpakalango gaya ng ginawa ko kagabi. "Sir, anong nangyari sa'yo? Wala ka ba talagang maalala kung anong ganap sa araw na ito?" tanong pa nito. "Sabihin mo na