Special Chapter Two LARA NAPAPAGOD na ang mga daliri ko sa pagfofold ng mga invitation namin sa kasal at maglagay ng mga ito sa styled envelopes na dinisenyo pa ni Kyla, kapatid ni Kuya Kiel. Panay ang buntong hininga ko at palatak habang ginagawa ang aking share sa work pero hindi man lang ako nililingon ni Leo habang nagbibilang at nagbubugkos ng mga invitation na nailalagay ko sa envelopes. Kagabi pa ito nandededma sa akin. Ni ayaw man lang akong pagbigyan. May pangangailangan din naman ako. Alam kong hindi pa kami kasal pero namimiss ko na siya. Mula noong lumabas ako ng ospital ay baka twice pa lang naming nagagawa ang bagay na iyon. Six months na ang nakararaan pero twice pa lang. Bilang na bilang ko kaya hindi siya pwedeng magkaila sa akin. May mga nagbago sa kanya. Bukod sa pis