Special Chapter One LEO “MAHAL, wala na ang baby natin,” malungkot kong balita kay Lara pagkagising niya sa mahabang pagkakatulog. Wala siyang masabi. Sapat na ang mga luhang tumulo sa kanyang mga mata para maunawaan ko ang labis niyang kalungkutan. Alam kong masama pa ang loob niya sa akin sa mga nagdaang araw pero hinabol niya pa rin ako dahil alam ko at alam niyang mahal na mahal naming dalawa ang isa’t isa. Sinubukan kong yakapin siya dahil sa palagay ko ay ito ang kailangan niya sa ngayon. Malalim na ang mga mata niya kaya naman halatang nangangayayat na siya. Ako ang kailangan niya para lumakas ang loob niya. Parehas lang kaming nawalan ng anak kaya naman mas mabuting kumapit kami sa isa’t isa. “Mahal na mahal kita bubwit ko,” saka ko siya hinalikan sa ulo. “Hindi ko na kakay