Chapter 25 "Kailan ka huling naguluhan sa pagpili mo? Mananaig ba ang t***k ng puso o ang sinisigaw ng isip mo?" Leo TINAWAG ko ang lahat ng mga tauhan sa bakery at sinabi sa kanila ang nangyari. Nabawasan ang nakasobreng pera na itinago ko sa may drawer. Nagtitiwala ako sa lahat ng tauhan ko pero hindi ko lang talaga inaasahan na ngayon pa ito nangyari. Pero hindi ko rin inaasahan na iisa amg sagot nila sa tanong ko kung sino ang naiwang mag-isa kahapon at nagsara ng bakery. Si Lara. Imposible ito. Hindi ko ito lubos maisip na magagawa niya sa akin at sa amin. Hawak hawak ko ang sentido ko habang nag-iisip kung paano ko ito sasabihin kay Lara o kung paano ko siya kakausapin. Hindi sa siya ang pinagbibintangan ko pero gusto ko lang din siyang tanongin kung ano ang side niya dito.