Chapter 26 "Bakit may mga taong umaalis ng walang paalam? Naduduwag lang ba sila? O mas pinipili nila ang bagay na iyon para makaiwas sa mas masakit na pangyayari? Kapag kasi nagkita bago umalis, mas masakit. Nanaisin na lang umiwas nang di alam kung bakit ." Leo PASADO alas singko na ako lumabas ng kwarto at nakatulog ako ng halos dalawag oras. Ang naging desisyon ko ay ipapaubaya ko na lang kay mama ang lahat. Kakausapin ko siya sa oras na dumating siya. Naupo ako sa silyang nasa kusina at kinain ang natakpang suman na dadalhin sana ni Lara sa kwarto ko kanina. Habang kumakain ako ay isa isa nang nagdatingan ang mga tao sa bahay pero s kanya kanyang kwarto dumeretso maliban kay mama na hinarang ko muna. "Dadalhin ko lang muna ang mga gamit ko sa loob. Babalikan kita agad," aniya.