Chapter Twenty Seven

1875 Words

Chapter 27 "Paano kung sa dami ng problema mo ay halos magkakapatung-patong na lahat ng mga ito? Ano ang uunahin mo?" Lara MATAPOS akong mag-iiiyak ay wala akong ibang naiisip kundi ang umalis na lang dahil parang wala akong kakampi. Wala akong mayakap sa panahong ito na napagbibintangan ako. Maging si Leo ay hindi na nagtitiwala sa akin. Masakit lang isipin na pati si ma'am ay tila wala nang tiwala sa akin. Wala akong makausap. Pakiramdam ko talaga ay nag-iisa na ako. Kaya't nag-ayos ako ng gamit ko. Hindi ako nagpamalay na aalis ako. Kinagbihan ay kumatok si Aling Lusing at nakita kong may dala siyang pagkain. Mabuti na lang at natapos na ako sa gagawin ko. "Hija, nagdala ako ng pagkain mo. Kumain ka na muna," saka niya inilapag ang tray sa may mesa sa tabi ng kama ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD