Chapter 28 "Naranasan mo na bang magpaalam sa taong mahalaga sayo? Ano ang pakiramdam? Paano kung sa pagpapaalam mong iyon ay iyon na rin pala ang huli ninyong pagkikita? Kakayanin mo ba?" -Author Leo TULALA pa rin ako hanggang ngayon. Nasa kwarto pa rin ako ni Lara at tila ayaw kong umalis sa kwarto niya dahil baka sakaling bumalik siya maya maya lang. Baka hindi siya nasakay sa bus. O baka nakalimutan niyang magpaalam sa akin. Nakahiga pa rin ako sa kama niya at nandoon pa rin yung amoy niyang hindi matatanggal sa pang-amoy ko. Gustung gusto ko na siyang makita at mayakap pero wala akong magawa. Dinalhan ako ni mama ng pagkain doon pero hindi ko magawang kumain. Maghapon akong tulog at hindi man lang nalagyan ng pagkain ang sikmura ko pero pakiramdam ko ay puso ko ang nagugutom,