Di na bumalik si Night pagkatapos mabigyan ng mansanas. Mabusog na yata. Nagluto pala ng sopas si Raven. Masarap naman. Pwede na pagtiyagaan. Biro lang. Nakaubos ako ng tatlong bowl. Madaling araw na ngayon. At kung hinahanap niyo yung fairy nandito din siya nakikikain. Sa ibabaw siya ng garapon nakapwesto. Binigyan siya ni Raven ng strawberry. Hay naku. Sa busog ko halos hindi na ko makatayo dito sa inuupuan ko. Si Raven na ang naghugas. Kagaya ng dati, huwag ko daw siyang pakielaman. Hindi mo alam kung pagentleman ang datingan o baka ayaw niya lang may nakikialam ng gawain niya. "Salamat nga pala sa agahan." Wika ko. "Okay." Sagot niya. Hindi niya yata alam ang sagot sa salamat. Hayaan niyo na lang. "Ah sige, punta na ko sa kwarto ko." paalam ko sakanya. "Sandali." Pigil niya.