Nasa Arena na kami kung saan naganap ang mga naunang paligsahan sa kasasayan ng Celestial Kingdom. Napakalaking lugar at napakaluwang. Kasing luwang ng apat na pinagsama-samang soccer fields. May mga sundalo ng palasyo rin na nagsasanay sa di kalayuan sa entrada. May nagsasanay ng espada, pana, sibat at iba-iba pang klase ng sandata. Pero may kakaiba sa pagsasanay na ginagawa nila. Ang mga armas na hawak at ginagamit nila ay nababalutan ng liwanag. At hindi basta basta liwanag dahil may kulay ito. Gaya na lang ng dalawang sundalo na espada ang hawak. Asul ang kulay ng lalaking may bandana sa noo, ang kalaban niya naman ay pula. Kaya ko rin kayang magawa yun? Nakakabilib naman. Mula sa kinatatayuan namin ni Raven ay tanaw ang mga pumapasok mula sa pinto ng arena. Hinatid kami kanina ni