Sa sunod-sunod na pangyayari sa pamilya nila ay ipinaubaya na nila sa Camp Villamor ang kaso. Dahil sila rin naman ang nakipagnegosasyon sa Camp Villaverde. Nakiusap na lamang sila na ipadeport nila ang banyagang si Jewel Simmons. Kaya't iyon ang ginawa ng kampo. Isinama ito ng ama sa pag-uwi sa Oklahoma at kailanman ay hindi na muling makakaapak sa bansang Pilipinas. In a day, maraming nangyari. Ganoon pa man ay nagpakatatag silang lahat. Dahil naniniwala silang lahat ng mga kaganapan sa buhay ay may dahilan. "Nahanap n'yo na ba sila?" malungkot na tanong ni Mrs Lewiston sa manugang at anak. "Hindi pa, Mommy. Naitawag ko na rin sa Baguio at sa Cagayan Valley," tugon ni Shane II. "Nangyari kaya't wala na tayong magagawa pa. Nasabi ko na rin ang mga bagay na iyon kaya't hindi ko na baba