"Sh*t! What's happening?!" AF cursed when he noticed that there's a trouble with the engine. "No, this cannot be!" he murmured again. Sinubukan niya, ginawa niya ang lahat upang makapag-emergency landing siya. Subalit wala ring saysay. Pabulusok siya nang pabulusok. Hanggang sa sumadsad siya sa dagat. "Diyos ko, kung ito na po ang huling araw ko sa mundo ay ikaw na po ang bahala sa mag-iina ko," bulong niya. Agad niyang inayos ang oxygen niya saka binasag ang salamin ng chopper upang makalabas. Ngunit naalala ang mga kapwa militar kaya't imbes na lalabas ay binasag din ang pagitan ng pilot's chair at ang mga kasamahan. Kailangan nilang makalabas bago pa sila mawalan ng hininga. Kaso kung kailan nandoon na siya ay saka naman may sumulpot na nilalang. Sa suot pa lamang nito ay isa itong