"Nasa tamang pag-iisip ka pa ba, De Luna? Bakit hindi ka man lang nag-isip bago mo binitawan ang mga bagay na iyon?!" malakas na tanong ni BN. "Bakit hindi ka man lang nag-isip bago nakipagnegosasyon sa kanila? Alam mo ba ang maaaring ibunga ng desisyong ginawa mo?!" sigaw din ni OC. Kaso hindi siya nagpatinag. Kamuhian na siya ng lahat ngunit hindi rin siya papayag na habang-buhay na ganoon ang kaibigan niya. Alam niya kung nasaan ang kapatid niya kaya't malakas ang loob niyang nagdesisyon na wala itong pahintulot. Maaring may hindi sila pinagkaunawaan ng mga biyanan ngunit wala nang ibang mas nakakakilala sa kapatid niya kundi silang pamilya nito. Hindi nito isasapalaran ang mga anak dahil lamang sa maliit na bagay. Kaya't sigurado siyang nandoon ang kapatid niya. Hindi na nga lamang s