Dahil hindi makapaniwala ang magkakaibigan sa desisyon ng mga magulang at abuela ng kaibigan nila ay agad-agad silang nagpaalam sa asawa nito at mag-asawang Janelle and Pierce. "Hindi ito maaaring mangyari! Paano nila nagawang paghiwalayin ang mag-asawa ng ganoon na lamang?!" bulong man pero kulang na lamang ay masugat ang palad ng magkakaibigan dahil sa diin nang pagkabigkas sa bawat salitang binibitawan. Kung ilang beses nilang nasabi ang salitang hindi maaari ay hindi na rin nila mabilang. Ngunit mas nanlumo sila nang nakarating sila sa pagamutan. "Miss Nurse, nasaan po ang pasyente rito?" halos sabayan nilang tanong. "Iyong may amnesia po ba na bulag ang ibig n'yong sabihin mga Sir?" balik-tanong nito. "Yes, Miss. Siya nga, nasaan na siya? Bakit wala ng tao rito?" muli ay tanong