"Po? Hindi puwedi ang nais mo, Ma'am. Hindi lang ako ang masasabit sa kaso kapag malaman nila iyan. Dahil parang itinulak na kita sa kamatayan mo." Umiling-iling ang doctor tanda lamang na salungat siya sa nais mangyari ng Ginang. Kilala naman niya ito dahil matagal na niyang pasyente ang pamilya nito. "No, Doctor. Sisiguraduhin kong hindi iyan mangyayari. It's a blessing in disguise that I lost my patience that day. At ngayon ay may rason akong isagawa ang matagal kong pinag-iisipan. I'll be the eye donor of my grandson, Doctor," giit ni Mrs Lewiston. "But how come? You are very healthy even you are sitting on that chair. How can you donate your eyes with him? The management of the hospital, the law and most of all your family will never allow what you want," tugon ng doktor. Banaag pa