Three years later... "It's been a while since then, anak. Wala ka pa rin bang balak magpakita sa asawa mo?" tanong ni Nathaniel sa anak. "Hindi ko alam, Daddy. Saka hayaan na natin siya sa buhay na tinahak niya. Masaya na siya kaya't wala na tayong magagawa sa bagay na iyan," tugon ni Annabelle na hindi man lang pinagkakaabalahang lingunin ang ama. Abala siya sa ginagawa niya lalo at may lakad siya sa susunod na araw. "Tama ang Daddy mo, anak. Tatlong taon na ang nakaraan. The sixth birthdays of Allison and Gavin is approaching too. Ang dalawang birthdays nila ay hinayaan mo silang sumama sa kanilang ama which is maari naman dito ipagdaos," wika naman ng Ginang. Kaya naman ay isinara niya ang laptop niya saka humarap sa mga magulang. Tama naman kasi sila, tatlong taon na ang nakaraan s