"Pinagluluko mo ba ako, Kuya? Aba'y ang mga anak ko ang ginawa mong rason upang mapauwi ng maaga. Ngunit wala naman sila, where are they?!" mariin at taas-kilay na tanong ni Annabelle. Nasa kalsada pa lamang sila ay nasulyapan na niya ang sasakyan ng huling lalaking nanaisin niyang makita. Di yata't naisahan siya ng kapatid niya. "Relax, Sis. Nandiyan sila sa loob. Actually hindi lang si Pareng AF ang nandito kundi silang pamilya---" "Then why?! Why you said it was my twins who wants me to come home?!" nawala na ang hiya niya dahil nasigawan niya ang Kuya niyang wala na yatang ginawa kundi ang suportahan siya sa anumang bagay. "Sis, hindi habang-buhay ay maiiwasan mo sila. Kahit bali-baliktarin mo ang mundo ay may mga buhay na nag-uugnay sa inyo---" "I'm sorry, Kuya. Ngunit wala akon