"Where is Pilot Cameron?" tanong ni General Aguillar sa nadaang tauhan. "Baka nasa pilot's office, Sir," tugon nito. "Will you call him for me?" tanong muli ng opisyal. "Sure, Sir." Tumayo na ito at patakbong nagtungo sa pilot's office. Samantalang dumitetso ang heneral sa kaniyang opisina. Doon na lamang niya hihintayin ang paborito niyang piloto. Manugang kung tutuusin dahil kinakapatid niya ang biyanan nitong lalaki. Ngunit pagdating sa trabaho ay pantay-pantay ang pagtingin niya sa mga tauhan. And besides he is his nephew. Allick Francisco is his third cousin. Therefore, they still belong in one bloodline. Samantala, masayang nakikipag-usap si Allick Francisco sa mga kapwa piloto. Ilang buwan na rin siyang nakabalik sa Camp Villamor. At kung gaano siya kainit na tinanggap ng mga k