"Ha?! Anong sabi mo, anak?!" sa gulat ng Ginang ay napalakas ang boses. "Opo, Mommy. Nasa pagamutan ngayon si Annabelle. Ayon kay Lolo ay nag-spotting daw kaninang umaga. Mabuti nga raw po dahil nandoon si Shylene at siya ang nakabantay sa kambal," malungkot na pagbabalita ni Franklin. "Diyos ko, iligtas mo po sana silang mag-ina. Ako ang natatakot para sa kapatid mo, anak. She had a miscarriage stillbirth. Walong buwan...walong buwan...Ama, gabayan mo sana ang mag-ina," hindi magkandatutong wika ni Jezzabelle. Iyon naman ang senaryong nadatnan ng asawa. "Bakit, Mommy? I mean, bakit kung walong buwan?" agad na tanong ni Franklin bago pa makapagtanong ang ama. Kaya naman ay si Vienna Reign na rin ang sumagot. "Hon, kaya natatakot si Mommy dahil bukod sa nagka-miscarriage na siya ay may