Dahil na rin sa caesarian ang panganganak ni Annabelle at nasa incubator ang sanggol ay nanatili rin sila sa pagamutan ng isang buwan. Makaraan ng ilang araw na hindi pumasok si AF sa trabaho dahil sa rin sa indefinite leave. Ngunit sa araw ng pag-uwi ng mag-ina niya ay nagpaalam din siya upang lumiban sa trabaho. Dahil na rin sa kagustuhan na nais niyang puntahan ang asawa at siya ang mag-uuwi sa kanila. "Now that you're home, let's talk about the christening if baby Tommy. Kung saan ninyo gustong idaos," ani Lolo Rey kinahapunan. "Ay si Lolo ayaw mo ba rito?" pabirong wika ni Annabelle ngunit agad din itong sinalungat ng matanda. "Kahit sino sa inyong magpipinsan ang may gustong manirahan dito ay puwedi. Wala kaming kinikilingan ng Lola ninyo. Sa tanong mo kung ayaw ko rito ay alam mo