Four years later... "Congratulations, bunso. Wow! You made it!" masayang wika ni Frances Allison sa bunsong kapatid. Sinadya niyang hindi nagbakasyon ng isang taon dahil gusto niyang nasa bansa sa araw nang pagtatapos ng bunsong kapatid. "Thank you, Ate. Nasaan sila?" tanong nito. "Ang Kuya Vance mo ba? Ah, huwag mo na siyang hanapin. Ibinenta ko na." Pagbibiro niya. "Ikaw na babae ka kahit kailan ay walang preno ang bibig mo. Nasa PMA tayo wala sa lansangan." Paninita tuloy ng kambal niya. "Halika na, bunso. Huwag mong pansinin ang kiti-kiting iyan baka may butiki sa tiyan kaya't hindi na naman mapakali." Humarap naman si Gavin sa bunsong kapatid. Tinupad nito ang pangakong binitawan sa kanilang pamilya noong nasa huling taon ng sekondarya. Sa loob ng apat na taon ay nagtapos ito sa