"So, kumusta ang unang linggo mo sa kampo, anak? Nasa iisang kampo tayo ngunit hindi man lang tayo nagkita sa loob ng isang linggo," tanong ni AF sa anak. Isang gabi makaraan ng isang linggo simula pumasok sa military division ang bunsong anak. "I'm enjoying it, Papa. Kahit gustong-gusto kitang puntahan sa pilot's quarter ay hindi ko magawa-gawa dahil sa trabaho," masayang tugon ng binata. Kaya naman ay sumabad si Annabelle. "Kasama iyan sa trabaho, anak. Alam kong naninibago ka dahil nasanay kang laging nakaalalay ang Papa mo. Ngunit oras na rin upang tumayo ka sa sarili mong mga paa. Hindi naman sa pababayaan ka namin ang nais ko lang ipaunawa sa iyo ay walang kamag-anak at walang kaibigan pagdating sa trabaho. That's the reality inside the Camp. Not only in the Camp, my prince. Sa l